Hinangaan ng mga netizen ang pagtitiyaga ng isang estudyante kung saan nagbubuhat ito pauwi ng isang sako ng damo sa Usmaad National High School sa Arago, Cebu.
Ayon kay Je-Ann Gevana Je-je Montejo, napansin niyang laging nag-uuwi ng isang sakong damo si Arkim Camello, Grade 7 student ng UNHS.
Napag-alaman na ang lagi niyang dala pauwi na mga damo ay ipapakain sa mga alagang baka. Humingi naman ng pahintulot si Arkim sa gurong tagapayo kung pwede niyang iuwi ang mga ito.
Dagdag niya, nararapat lamang na ipagmalaki ang batang ito na may pagkukusa at dapat hangaan. Sinabi niya ring sana ay magsilbing inspirasyon si Arkim sa mga kabataan sa pagkukusa nitong makatulong.
Marami namang natuwang netizen na nagkomento na natuwa sila sa kasipagan ng bata.
Sa kasalukuyan ay mayroon itong 942 reactions, 47 comments at 405 shares.