VIRAL: Ginang sa Bulacan, nagtitinda ng sulit meals sa halagang limang piso

Screenshot via Mission Impossible

Umani ng positibong reaksyon sa mga netizen ang ginang na nagtitinda ng abot kayang presyong pagkain para sa mga estudyante sa Meycauayan, Bulacan.

Kinilala ang ginang na si Nanay Mel na nagbebenta ng sulit meals na sampung piso lamang.

Ang kada pakete ng ulam ay mabibili sa halagang limang piso tulad ng tinolang manok, bopis, kare-kare, menudo, at iba pa.


Mayroon din siyang itinitinda na sinangag na may hiwa ng mga hotdog sa presyong limang piso na tinatawag na Nanay Mel’s ‘chao fan’.

Ang ‘chao fan’ ay inihalintulad sa recipe menu ng isang sikat na Chinese fastfood chain sa bansa.

Ayon kay Nanay Mel, gusto lamang niya makatulong sa mga estudyante na wala halos baon sa pagpasok sa eskwelahan kaya’t naisipan niya ang ganitong ideya.

Nagbebenta rin siya ng streetfood tulad ng fishball, kwek-kwek, cheese sticks, kikiam at iba pa.

Facebook Comments