VIRAL: Imbis na bulaklak, gulay nagsilbing dekorasyon sa kasal sa Benguet

Courtesy Claver and Fleann Molot

Madalas pagkain at pang-sahog. Minsan dekorasyon.

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang kakaibang konsepto ng isang kasalan sa La Trinidad, Benguet noong buwan ng Hulyo.

Dahil sa halip na bulaklak, berdeng gulay ang ipinalamuti sa loob ng simbahan.


Sa litratong ibinahagi ng mag-asawang Claver at Fleann Molot, makikitang nilagyan ng repolyo, pechay, wombok, at cauliflower ang bawat bahagi ng San Jose Parish.

Kuwento ng dalawa, ideya ito ng kanilang tiyahan lalo na at mas mataas ang presyo ng mga bulaklak.

Maliban sa pagiging praktikal at unique, sumang-ayon sila sa suhestiyon ng kamag-anak dahil pagsasaka ng gulay ang ikinabubuhay nila sa araw-araw.

Pinamigay din ng dalawa ang gulay na ginamit sa mga dumalong bisita.

Labis naman ang kasiyahan nina Claver at Fleann sapagkat hindi nila inaasahang magiging viral sa social media ang konsepto ng kanilang pag-iisang dibdib.

Facebook Comments