Tampok ngayon ang larawan na ibinahagi ni King Bernard Del Rosario Dy, kung saan ang isang lolo ay walang sariling higaan at vineventilate lamang ng kaniyang watcher sa resuscitation area sa isang pampublikong ospital sa Maynila.
Ani King, 2:39 ng madaling araw nang makita niya ang kalagayan ng lolo at sinabing kailangang pagtuunan ng pansin ang Healthcare System sa bansa.
Dagdag niya, ang dalawang watcher ng lolo ay naghahanap pa lamang ng strecher upang mahigaan ng lolo.
Pinahayag din ni King na kailangan ng pagbabago sa sistema ng healthcare sa bansa upang maging mas maayos ang serbisyo sa mga Pilipino.
Sinabi niya ring napagtanto niyang maraming tao ang may kailangan ng tulong at maraming tao ang may kakayahang tumulong.
Agad na umani ng reaksyon ang post na ito sa mga netizen, May nagsabing sana ay mapansin ito ni Pangulong Duterte, ang ilan ay sinisi ang Kagawaran ng Kalusugan o DOH.
Ayon kay Joy Zantua, “Ganiyan talaga ang public hospitals sa Pinas, ‘pag sa private naman no money, no entry. Kawawa ang maging mahirap sa Pilipinas.”
Ang karamihan ay nagbahagi ng kanilang karanasan ng treatment sa mga pampublikong ospital.
Sa kasalukuyan ay mayroon itong 66,000 reactions, 6,500 comments at 44,000 shares.