Viral ngayon sa social media ang litrato ng isang lalaking nagkakabit ng retainer sa gilid ng kalye sa Cagayan de Oro City.
Sa kuhang larawan ni Gerry Gorit nitong Linggo, mapapansing may ginagamit itong plais para maikabit ng maayos ang nasabing retainers.
“A man puts a brace on the teeth of his customer for P75.00 at the De Lara Park, Provincial Capitol grounds. It was not known if he has license to perform such act as only dentists are allowed to do so,” caption ni Gorit sa kanyang Facebook post.
Hindi naman mapigilan ng netizens mabahala sa ginagawa ng lalaki.
Ngunit para sa ilan, hindi dapat gawin big deal ang nilalagay ni manong sa ngipin ng customers.
Kung sakaling mapatunayang nagkasala ang sinuman, puwede itong patawan ng kaukulang parusa at multa dahil sa paglabag ng RA 9484 or Philippine Dental Act of 2007.
Wala pang inilalabas na reaksyon ang Philippine Dental Association tungkol sa viral photo.