VIRAL: Litrato ng isang estudyanteng nagtitinda ng balut para sa pag-aaral at gatas ng kapatid

Photo courtesy of Ariane Tabalan

“Estudyante sa umaga, balut vendor naman sa gabi.”

Yan ang kwento ng isang estudyante matapos magviral online ang kanyang litrato habang nagtitinda ng balut para suportahan ang kanyang pag-aaral.

Siya si Jeramil Dela Cruz, grade-7, kasalukuyang nag-aaral sa Malunday National High School sa Marikina.


Makikita sa litrato na inaantok na si Jeramil habang yakap na yakap ito sa panindang balut sa dis-oras na ng gabi.

Ayon sa kanya, ito raw ang nagsisilbing paraan para makatulong rin hindi lang sa kanyang pag-aaral kundi para sa pambili ng gatas ng kanyang kapatid.

Limang taong gulang pa lang kasi si Jeramil ay pumanaw na ang ina nito sa sakit na ‘colon cancer’ at kasalukuyan namang maysakit ang ama nito.

Kumikita raw siya ng hanggang 700.00 kada gabi.

Sa kabila ng pagiging abala sa pagtitinda, hindi naman raw niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral.

Nang makapanayam naman si Jeramil, saad nito, “Sa mga bata pong katulad ko, sana po tumulong din po sila. Hindi po ‘yung palaboy-laboy lang po diyan….Gusto ko lang po makatulong po sa magulang ko.”

Dagdag pa niya, wala raw umanong swerte, nasa bata raw yun na gustong magtrabaho.

Facebook Comments