VIRAL: Lolo, may hack kung paano hindi matatalsikan ng mantika tuwing nagpiprito

500
via É nóis NASA

Kitchen hack ba kamo? Viral ang video ng isang lolo na nakaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang talsik ng mantika tuwing nagpiprito.

Sa video na inupload ng Facebook page na É nóis NASA, makikitang ginamit ng matanda ang plastic bottle ng softdrinks bilang panangga.


Tinanggal o binutas niya ang puwetan ng bote para maipasok ang kanyang kamay, habang sa kabilang dulo naman ng plastic bottle inilusot ang tinidor na gamit niya pang-prito.

Ikinatuwa naman ng viewers ang video na ngayon ay umabot na sa 42K likes at mahigit 370K shares.

Facebook Comments