VIRAL: Magkakaanak na Pilipino sa USA, binastos at minura ng Amerikano

Screenshot captured from Raymond Orosa's viral video.

Nakaranas ng diskriminasyon ang isang pamilya ng Pinoy sa San Francisco, California habang kumakain sa restawran noong Hulyo 4. Ang pambabastos ng Amerikanong puti, sapul sa cellphone camera.

Sa isang panayam, sinabi ni Raymond Orosa na ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng kaniyang maybahay nang bigla silang kutyain ng isa pang kustomer na kinilalang si Michael Lofthouse.

Maririnig sa video ang pagmumura ni Lofthouse sa mga kababayan na binansagan niyang “Asian piece of sh*t.”


Humirit din ang banyaga na dapat umalis ng Amerika ang pamilya sabay sabing “Trump’s gonna f**k you.”

Sinita at pinaalis naman ng tauhan ng restawran si Lofthouse dulot ng ginawang komosyon.

“Get out of here! You are not allowed here. No, you do not talk to our guests like that. Get out! Now! They are valued guests. You are not allowed here, ever again,” hirit ng kawani sa dayuhang racist.

Batay sa pagsisiyasat, nagtratrabaho bilang chief executive officer ng isang tech-based company sa California ang nanggugulong si Lofthouse.

Kuwento pa ni Orasa, sa higit dalawang dekada nilang paninirahan sa Estados Unidos ay ngayon lang sila naging biktima ng racism doon.

“Hanggang sa lumabas siya, tuloy-tuloy pa rin ‘yung pagsasabi niya yung f-ing Asians niya. ‘Yung we should get the f-ing out of the country,” pagpapatuloy ng Pinoy.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Lofthouse na labis raw ang pagsisisi sa ipinakitang asal sa pamilya Orosa.

“I will take the time to reflect on my actions and work to better understand the inequality that so many of those around me face every day,” paliwanag niya.

Facebook Comments