VIRAL: Maid of honor nagsuot ng T-rex costume sa kasal ng kapatid

Image via Facebook/Christina Meador

Pumukaw ng atensyon sa maraming netizen ang kakaibang gown ng isang maid of honor sa kasal ng kaniyang kapatid na babae na ginanap noong nakaraang buwan sa Texas, United States.

Dahil sa halip na bonggang gown or glamorosong bistida, costume na T-rex ang isinuot ng abay na si Christina A. Meador.

Ang agaw-pansin na attire, ibinahagi ni Meador sa kaniyang Facebook account.


Kuwento ng bride na si Deanna Adams, pinahintulutan niyang magsuot ng kahit anong damit si Christina. Aniya, hindi mahilig magbihis ng pormal ang kaniyang bunsong kapatid. Kaya hindi siya nagalit sa grand entrance ng pinakamamahal na maid of honor.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 50,000 shares and views ang nakatutuwang outfit at post ni Meador.

Facebook Comments