Isang netizen ang nagbahagi ng taos-pusong mensahe para sa 50th birthday ng kaniyang ama na mayroong Down syndrome.
Sa Facebook, sinimulan ni Richie Anne Castillo ang mensahe nito sa pagpapahayag kung gaano siya ka-proud sa ama at kung paanong maski mga doktor ay namangha sa aniya’y “miraculous moment.”
Ikinuwento rin ni Castillo ang naranasan niyang pambubully dahil sa kondisyon ng ama, noong bata pa.
Aniya, naging duwag siya dahil dito.
As a kid I didn’t see you as different, I saw you as my dad. I didn’t understand why they were making fun of me and calling me abnormal. I understood this later on and it made me a coward.
Pinuri niya rin ang ama sa pagiging malakas at matapang nito sa kabila ng kaliwa’t-kanang operasyon at mga gabing nasa ospital ito.
You are the strongest because after all those surgeries, procedures and nights at the hospital, you managed to say “Wa ko mahadlok mamatay kay ni salig ko sa Ginoo” (I’m not afraid because I trust in the Lord).
Dumaan din aniya ang mga araw na pagod na ang ama–na siyang nagpaluha kay Castillo.
Sa bandang huli, humingi ng paumanhin si Castillo sa aniya’y mga kakulangan niya bilang anak.
Dad, no amount of words can sum up to how sorry I am for being an absent daughter. I’m sorry for not bringing you to the beach more often or I don’t bring you your favorite dimsum food or I don’t visit you more often than I should. If there is one thing I regret, it is hiding you from my life because I’m still the same little kid who was afraid of getting bullied.
Tinapos ni Castillo ang mensahe sa pahayag na ngayon ay malakas at matapang na rin siya dahil sa pinakamamahal niyang ama, na lagi siyang tinatawag ng “one and only baby girl.”
Maraming naantig sa post na ito ni Castillo na sa ngayon ay mayroon ng 177K likes at 56K shares.