VIRAL: Mga magsasaka, pampa-good vibes ang ‘Hep Hep Hooray’

2389
Screenshot from Gilbert Prado's video/Facebook

Magtanim nga naman ay ‘di biro.

Kaya para pawiin ang pagod at pansamantalang maglibang, paglalaro ng Hep Hep Hooray ang trip ng ilang magsasaka sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Nag-viral sa Facebook ang video ng kanilang katuwaan na iniupload ni Gilbert Abila Prado, isa ting magsasaka.

Kuwento ni Prado, naisipan lang nilang maglaro habang nagpapahinga sa pagsasaka.

Praktis na rin daw nila ito sakaling makarating sa Wowowin at mapili sa Hep Hep Hooray.

Sa ngayon ay mayroon ng 10,000 shares ang kanilang video.

Facebook Comments