VIRAL: Mga sabungero nagbigay ng tulong sa nanay ng batang kinukumbulsyon

Screenshot via Facebook/ Rdv Nigg De Veyra

Humanga at napangiti ang social media users sa ginawang pagtulong ng ilang sabungero para sa nanay ng batang kinukumbulsyon.

Sa bidyong ibinahagi ni Rdv Nigg De Veyra, makikita ang mga lalaking nagaambagan at pinapaypayan ang mag-ina habang nakaupo.

Matapos makalikom ng salaping nagkakahalaga ng P7,000, binigay nila ito sa nanay ng batang may kakaibang karamdaman.


Ani De Veyra, galing pa ng Infanta, Quezon ang dalawa at nagbakasakali silang pumunta ng Maynila para humingi ng tulong.

Batay sa tagged location, nakuhanan ang video sa Roligon Mega Cockpit, Pasay City.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng ilaw ng tahanan sa mga taong nagabot ng tulong pinansyal sa kanila.

Taas kamay ang mga netizens sa kawang gawa ng mga sabungero.

“Mga kasabong maraming salamat sa inyo lahat sana biyayaan pa kau ng maraming suerte dahil sa mga tulong ninyo.”

“Mabuti pa mga sabungero tumulong sa batang may sakit maraming salamat sa nyo mabuhay kayo at parati kayong manalo.”

” God bless sa inyo mga fathers,…….mlaki tulong na un sa mg,INA….”

“Galing nman po, Salamat po sa mga tumulong…sana lahat ganito maawain at matulongin. God Bless po.”

Sa ngayon, mahigit 1.7 million views ang bayanihan operation video ng mga sabungero.

Facebook Comments