Viral ngayon ang larawan na Amy Christie Hunter, kung saan ang mga ulap ay naka-anyong alon na nakalihera sa kalangitan ng Virginia sa Estados Unidos.
Ang phenomenon na ito ay tinatawag na Kelvin-Helmholtz Waves, kung saan nagiging alon ang hitsura ng mga ulap kapag mahangin at unstable days.
Dagdag pa ng eksperto, bihira lamang ang ganitong pagkakataon.
Ayon sa National Weather Service, “vertical waves in the air associated with wind shear across statically-stable regions.”
Sa makatutal, ito ay nangyayari dahil sa iba’t ibang bilis ng hangin sa iba’t ibang patong o layer ng atmospera ng kalangitan.
Kapag ang humid o mahalumigmig at temperatura ng mga ulap ay tama lamang, saka nagkakaroon ng kapansin-pansing ulap tulad ng phenomenon na ito.
Facebook Comments