Acting President at CEO Dr. Roy Ferrer, bumuwelta sa mga nagsasabing may mafia sa Philhealth

651

Bumuwelta ngayon ang acting President at CEO ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na si Dr. Roy Ferrer sa mga nagsasabing patuloy na nananatili ang mafia sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

 

Ayon kay Ferrer, simula nung maupo siya sa Philhealth ay agad siyang nagsagawa ng internal cleansing at kinasuhan na din aniya ang mga nasasangkot sa anomalya.


 

Iginiit pa ng opisyal na mali ang ipinapakalat na impormasyon ni Dominga Padilla na dating Head Executive Staff ni dating Health Secretary Janette Garin hinggil sa isyu ng mga anomalya sa mga wellness center kung saan wala daw silang ginagawang hakbang.

 

Sinabi pa ni Ferrer na noong panahon daw na sila ang naupo sa pwesto ay mas malala at maraming problema ang Philhealth.

 

Sa huli, nakikipag-ugnayan na daw ang Philhealth sa National Bureau Of Investigation o NBI para malaman kung sino ang mga kasabwat sa mga anomalya sa mga dialysis center.

Facebook Comments

From Advertisers