VIRAL: Netizens, natuwa sa pagbubuntis ng ‘White Giraffe’ sa Kenya

Photo courtesy of Kenyas.co.ke

Ibinahagi ng Kenya Wildlife Service ang balita na buntis ang isang white giraffe sa Ilshaqbini Hirola Sanctuary na nasa Ijara Sub-county sa Garissa.

Agad namang iginalak ito ng mga netizen dahil nag-iisa lamang ang white giraffe na ito sa mundo.

Ang ganitong kakaibang kondisyon ay tinatawag na Leucism, kung saan ang skin cells ay hindi nagpr-produce ng pigmentation.


Tiniyak naman ng KWS na sisiguraduhin nila ang kaligtasan ng nagbubuntis na may bihirang kondisyon.

Dagdag nila, nasasabik silang malaman kung ‘white’ din ang magiging kinalabasan ng anak nito. Gusto rin nilang madagdagan ang lahi nito.

Ang gestation period ng mga giraffe ay aabot ng 14 hanggang 15 na buwan.

Nauna nang nakitaan ang mag-inang white giraffe Tanzania’s Tarangire National Park noong 2017.

Facebook Comments