VIRAL: Paaralan sa Zamboanga Del Sur, pinalamutian ng Hello Kitty

Courtesy Facebook/Nurvin Dela Rama

Agaw-pansin ang isang paaralan sa bayan ng Mahayag, lalawigan ng Zamboanga del Sur dahil sa kakaibang tema.

Sa Facebook post ni Nurvin Dela Rama, ibinahagi nito ang litrato ng Compound Elementary School na namumutiktik sa disenyong Hello Kitty.

Pininturahan ng kulay pink ang mga bubong at pinalamutian ng mukha ng sikat na Sanrio character ang dingding at bawat sulok ng paaralan.


Kitang-kita din na makulay ang mga upuan na hango sa iba pang ginagamit ni Hello Kitty.

Ayon kay Mary Ann Peras, naging posible ang disenyo sa pakikipagtulungan ng mga guro sa nasabing eskuwelahan at stakeholders sa lugar.

Isa rin itong paraan upang hikayatin pumasok ng araw-araw ang mga mag-aaral.

Hiling ng principal, sana mabisita ang paaralan para makita ang totoong sitwasyon nito.

Dahil sa kakaibang konsepto, ’tila good vibes ang hatid nito sa mga estudyante, guro, at netizens.

Umabot na sa mahigit 4,000 shares at likes ang viral photos ni Dela Rama.

Facebook Comments