Hindi nawawala sa isipan ng mga Pinoy ang salitang ‘dugyot’, ‘maingay’, ‘siksikan’, ‘magulo’, at ‘masangsang’ tuwing pumupunta sa palengke.
Sa kabila ng lahat, madalas pa din magtungo ang mga mamimili sa pampublikong pamilihan dahil sa bagsak-presyong bilihin.
Pero ang isang bagong bukas na palengke sa Limay, Bataan, animo’y mamimili ka sa supermarket or mamasyal sa loob ng mall dahil sa angking kalinisan at kagarbohan.
Sa kuhang larawan ni Mark Anthony Muico Millaire, kapansin-pansing malayo sa tipikal na hitsura ng pamilihang bayan ang itinayong Limay Public Market.
Gawa sa tiles ang lamesang gagamitin sa mga panindang isda at karne; malawak at maganda rin ang ilaw at kisame ng naturang palengke.
Magkakaroon din ng food court sa isang bahagi nito para sa mga mamimiling aabutin ng gutom habang namamalengke.
Ayon kay Millare, sinimulan itong gawin noong nakaraang taon at dating tennis court ang puwesto ng Limay Public Market. Ito ay proyekto ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Ver Roque.
Ang mga netizens, napa-wow sa viral photo.
“ang sarap ata mamalengke dito 😊😂”
“Ganda nmn ng gawa ninyo parang nasa mall ka..👏👏👏👏”
“Woooowwwww sana all 😱😱😱😱”
“ang sosyal ng public market😍”
Umabot na sa mahigit 2,000 shares and likes ang viral post ni Mallare.