VIRAL: Pinoy sa Italy, sinuntok ng dayuhan dahil napagkamalang Chinese

Screenshot captured from Youtube/J LAV

LOMBARD, ITALY – Viral sa social media ang video ng panununtok ng isang Bangladeshi sa overseas Filipino worker (OFW) na napagkamalang Chinese.

Kita sa video na namimili ang kababayan sa isang supermarket nang biglang awayin at sapakin ng dayuhan.

Gumanti naman ng suntok ang biktima habang sumisigaw ng “I’m a Filipino, not a Chinese”.


Tumagal nang halos 20-segundo ang sagupaan bago tuluyang naawat ng mga security guard at mamimili.

Ipinost sa Youtube ng isang nagngangalang J LAV ang video ng matinding komprontasyon na umabot sa mahigit 70,000 views.

https://www.youtube.com/watch?v=ryzxxNh-5UY&feature=youtu.be

Sa ulat ng International Business Times Singapore, naganap raw ang insidente sa isang grocery store sa Lidl, Casalpusterlengona kasalukuyang naka-lockdown dahil sa novel coronavirus (COVID-19).

Isa sa tinitingnan motibo ng mga pulis ay ang kinakatakutang virus bunsod ng paglobo ng mga tinamaan ng sakit.

Batay sa huling datos ng Italian Ministry of Health, pumalo sa 1,128 ang bilang ng kaso ng COVID-19 mula Enero hanggang Marso, kung saan 20 na ang namatay.

Facebook Comments