Faith in humanity restored.
Bumilib ang netizens sa katapatan at ginawang diskarte ng isang good samaritan para maibalik ang pitakang napulot sa nagmamay-ari nito.
Kuwento ni Hans Asenci, may-ari ng wallet, pauwi na sila ng pamilya niya galing sa isang restawran nang madiskubreng nawawala pala ang nasabing gamit.
“Nasa kotse na kami medyo malayo na din sa kinainan namin bigla ‘kong kinapa ‘yung bulsa ko [wala] ‘yung wallet ko. Agad-agad akong bumalik dun para tanungin sa crew wala naman daw napansin,” sabi ni Asenci sa panayam ng The Philippine Star.
Aminadong nanghina at nanghinayang siya sa wallet na may lamang P8,000 at identification cards.
Hindi lingid sa kaalaman ni Asenci, nakita ng unsung hero na si Maynard Ronquillo ang pitakang nahulog sa kinainang lugar. Sa tulong ng driver’s license, naihatid ng good samaritan sa bahay ang nasabing wallet.
“Boss yung wallet mo po, kami nakapulot. Dinala na po namin sa bahay niyo na naka-address doon sa license mo po,” mensaheng ipinadala ni Ronquillo sa messenger niya.
Samantala, hindi tinanggap ng good samaritan ang pabuyang inalok ni Asenci.
“Kahit napakagaspang ng buhay meron pa pa lang mabubuting loob,” saad pa ng binata.