VIRAL: Sundalo nag-propose sa nobyang kapwa sundalo sa Marawi City

574
Screenshot via Team Tabak Facebook page

Viral ngayon sa internet ang surprise proposal ng isang sundalo sa kasintahang kapwa-sundalo.

Sa bidyong pinost ng Team Tabak sa Facebook, mapapanood na pinangungunahan ni Pvt. Christine Aberion ng Philippine Army 103rd Brigade ang morning exercises ng 8th Light Armor Calvary sa Marawi City nang biglang tumugtog ang kantang “Will You Marry Me.”


Kasabay nito, isa-isang lumapit at inabot ng mga kapwa-sundalo ang hawak na roses kay Aberion. Ilang sandali, lumitaw ang kanyang nobyong si Pfc. Edwin Deza dala ang isang bouquet.

Matapos ibigay ang bulaklak, lumuhod si Deza habang hawak ang singsing at tinanong si Aberion ng “will you marry me?”

Nakamit nito ang matamis na oo at yakap mula sa kasintahan.

Nagsimula ang love story ng dalawa taong Oktubre 2018 nang parehong maitalaga sa Marawi City.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 300,000 shares and likes ang nakakakilig na wedding proposal.

Facebook Comments