Tampok ngayon si William Lucero, isang taxi driver, kung saan ay mayroong mini sari-sari sa loob ng kaniyang sasakyan.
Nagtitinda siya ng sari-saring bagay tulad ng payong, powerbank, electric fan, monopad, headset at iba pa.
Ayon kay William, dati siyang nagtitinda sa bangketa kaya naisip niyang magbenta sa mga pasaherong sumasakay sa kaniyang taxi upang dagdag kita para sa kaniyang pamilya.
Aniya, hindi rin sapat ang kinikita ng kanilang business sa bahay dahil may pinag-aaral siya at lumalaking gastos ng pamilya.
Naisip niya na gawin ito nang minsan ay may pasahero siyang walang payong na bumaba.
Pumatok naman ito sa mga pasahero na natuwa sa kaniyang mini store sa taxi. Binibigyan din siya ng ideya ng ano pang kakailanganin ng mga pasahero na pwedeng ibenta.
Pinakamabenta ang pamaypay at electric fan tuwing tag-araw at payong naman kapag tag-ulan.
Hanga naman ang anak ni William na si Ian sa ginawa ng ama para sa kanilang pamilya.
Hindi naman si William Lucero ang nauna sa ideya ng sari-sari store sa loob ng taxi. Noong 2015, nag-viral din si Charis Dayao na may tindang mga snacks sa kaniyang taxi.