VIRAL: Test folders na may patama sa mga nais mangopya

Courtesy Facebook/Regine Lumacang Generalao

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang “no to cheating” folders ng isang klase mula sa Kapalong College of Agriculture & Science Technology sa Davao del Norte.

Kuwento ng uploader na si Regine Generalao, ideya ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Education Major in Mathematics ang witty na linyang nakasulat sa pangharang ng kanilang test papers.

Aniya, iminungkahi ng kapwa-guro na gumamit ng folder sa mga examination para walang kopyahang maganap at maging pursigado ang mga bata sa pag-aaral.


Narito ang ilang banat at paandar na mababasa sa test folder:

“Tama ka na sana kaso lumingon ka pa sa iba”

“Ang mahuli, bungi!”

“Pag tumingin ka, bagsak tayong dalawa”

“Wala kang answer? Parehas tayo!”

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 13,000 likes at 35,000 shares ang litratong pinost ni Ma’am Generalao.

 

Facebook Comments