VIRAL: Trabaho ng kalabaw, ginawa ng isang bata sa Iloilo

Courtesy Facebook/Argy Canja Catolin

Pumukaw ng atensyon sa isang netizen ang isang 12-anyos na lalaki dahil hindi niya alintala ang bigat ng ginagawa sa bukirin.

Sa kuhang larawan ni Argy Canja Catolin, makikita ang isang bata na may hinihilang kahoy para mapatag ng husto ang isang lupang sakahan sa Brgy. Caratagan, bayan ng Calinog sa Iloilo.

Ayon kay Catolin, ginagawa ng paslit ang trabaho na para dapat sa kalabaw.

Kuwento ng musmos sa netizen, ginamit ng kanyang tatay ang alaga nilang kalabaw sa pag-aararo at pagpipino sa iba pang bahagi ng bukirin.

Umiral rin ang pagiging maabilidad ng bata dahil gumamit ito ng kahoy na malapad para mas madaling hatakin.

Halos madurog ang puso nito sa kasipagan at dedikasyon ng bata para matulungan ang pinakamamahal na ama.

“Working with family makes you worthwhile, as you teach kids responsibility and the importance of life. Its more than a job, its a way of life. Maybe I got nervous due to typhoon, while other people praying for this. The saddest part I’ve ever encountered that this should be done by carabao and this child is not belong their race,” caption ni Catolin sa Facebook.

Sa comment section ng RMN Iloilo, kung saan unang ibinahagi ang kuwento ng batang lalaki, mababasa ang samu’t-saring papuri mula sa social media users.


Screenshot via RMN Iloilo

Hiling ng karamihan, sana matulungan ang pamilya at bigyan-pansin ng gobyerno ang mga pangangailangan ng magsasaka.

Facebook Comments