VIRAL | Video ng multong bata, trending ngayon sa social media

Brazil – Trending ngayon sa social media ang isang nakakatakot na video na na-encounter ng mga security guards sa isang mall sa Brazil.

Sa nasabing video, unang nagtaka ang naka-duty na guwardiya kung bakit tila may bata na pagala-gala sa mall kahit pa sarado na ito.

Para masigurado, kaniyang ipinocus ang hawak na cellphone kung saan kitang-kita dito ang bata ay umaakyat ng escalator.


Agad na sinundan ng guwardiya ang bata pero nagulat ito ng makitang patay ang nasabing escalator at wala na ang bata.

Pero ang nakakakilabot sa lahat ay nang tumingin ito sa left side ng mall at doon nakita ang tumatakbong bata na sa huli ay napag-alaman ng mga ito na isa pa la itong multo.

Facebook Comments