PBA | Rain or Shine Elasto Painters, naitabla sa 1-1 ang semifinals series nila kontra Barangay Ginebra

Manila, Philippines – Naitabla ng Rain or Shine Elasto Painters sa 1-1 ang kanilang semifinals series kontra Barangay Ginebra sa PBA Commissioners Cup.

Ito ay matapos na talunin ng Painters ang Gin Kings sa score na 109-100.

Bumida sa panalo ng Rain or Shine ang kanilang import na si Reggie Johnson na may 25-points at 20-rebounds.


Nagpakitang Gilas naman si James Yap na kumamada ng 18-points.

Mapapanood na mamayang alas-7:00 ng gabi ang game 3 ng semifinals series ng San Miguel Beermen at Alaska Aces na gaganapin sa Ynares Center-Antipolo City kung saan abante sa serye ang Beermen 2-0.

Facebook Comments