Viral ‘You do note’ girl, pumirma na ng kontrata bilang artista

897
Screenshot via @mintndy on Twitter

Kumpirmadong artista na ngayon ang viral ‘You do note’ girl na si Marjorry Lingat sa kaniyang pagpirma ng tatlong taon na kontrata sa Star Image entertainment.

Matatandaan na nag-viral si Marjorry, siyam na taong gulang, sa kaniyang video kung saan ginagaya niya ang ilang linya nila Cassie at Marga sa number 1 hit serye sa ABS-CBN tuwing hapon na ‘Kadenang Ginto.’


Dahil sa video na ito, sunod-sunod ang mga guesting sa mga TV show tulad ng Gandang Gabi Vice na pinapangunahan ni Vice Ganda at Rated K ni Korina Sanchez.

Nireenact din ng Magandang Buhay hosts na sila Melai Cantiveros ang iconic viral line na “You do note lar is my peyk”. Nakasama rin ni Marjorry sina Andrea Brillantes at Francine Diaz na nireenact ito sa GGV.

Ayon sa panayam kay Marjorry, nakikinood lamang siya sa kapitbahay ng Kadenang Ginto. Sa kaibigan niya rin si Ellaine Pido ang cellphone na ginamit sa video na nag-viral.

Ang talent manager ni ‘You do note’ girl ay si David Cabawatan sa ilalim ng nasabing entertainment company.

Marami ring nakalaan na proyekto kay Marjorry tulad ng billboard sa EDSA at iba pang guestings.

Facebook Comments
From Advertisers