Maganda ang tugon ng pag-aaral ng ilang eksperto sa Virgin Coconut Oil (VCO) bilang panlaban sa Coronavirus.
Ito ang inihayag nina Prof. Fabian Dayrit, ng Ateneo De Manila University-School of Science and Engineering’s Chemistry Department at Dr. Jose Mondejar ng Equilibrium Integrative Health Clinic.
Nabatid na ang VCO ay mayroong antiviral properties na nakakatulong sa mabilis na paggaling ng isang COVID patient.
Ayon kay Dr. Mondejar, mula sa 69 na residente ng Sitio Luz, Barangay Zapatera sa Cebu City na una nang nagpositibo sa COVID-19, 45 rito ang gumaling sa loob ng dalawang linggo.
Pina-inom aniya sa mga ito ang isang kutsyaritang VCO, dalawang beses sa isang araw.
Habang ang natirang 24-pasyente ay hindi na aniya lumala ang kalagayan.
Napatunayan rin aniya ang bisa ng VCO ng ipa-inom at gumaling sa loob lang ng walong araw ang pitong jail workers ng Cebu Provincial Detention Center na nagpositibo sa COVID-19.
Giit ng mga eksperto, walang side effect ang VCO pero dapat moderate ang pag-inom dahil mataas ang calorie count nito.
Sa ngayon ay sumasalang sa clinical trial ang Virgin Coconut Oil sa Philippine General Hospital at isa pang ospital sa Sta. Rosa, Laguna.