Virtual 10th OFW and Family Summit ng Villar Sipag Foundation, gaganapin ngayong araw

Bilang simbolo ng patuloy na pasasalamat sa Overseas Filipino Workers (OFWs), idaraos ng Villar Sipag Foundation ang 10th OFW and Family Summit ngayong November 19, ganap na ika-9:00 ng umaga sa pamamagitan ng Zoom at Villar Sipag Facebook live.

Iniimbitahan ng Villar Sipag ang mga OFW at kanilang pamilya saan mang sulok ng mundo na makilahok sa naturang summit.

Mga kaalaman tungkol sa pagnegosyo sa makabagong panahon ang handog ng Villar Sipag at ang tsansang manalo ng mga pampremyo gaya ng pangkabuhan package, motorsiklo at house and lot mula sa Lessandra homes.


Maaaring magrehistro online sa https://ofwsummit2021.villarsipag.org/registration/ o saan mang OFW summit desks sa Vista Mall at Starmall branches nationwide para makasali.

Bisitahin ang Villar Sipag FB page at website para sa karagdagang detalye.

Ito ay libre handog ng Villar Sipag para sa ating mga bagong bayani ng bansa at sa pakikipagtulungan ng DZXL 558 Radyo Trabaho ang inyong gabay sa hanapbuhay.

Facebook Comments