Tricycle driver na-ospital matapos saksakin ng isang lasing

16

New Washington, Aklan – Patuloy ngayon na ginagamot sa isang pribadong hospital ang isang tricycle driver matapos na saksakin ng lasing kahapon ng tanghali Sitio Centro, Guinbaliwan, New Washington.
Ang biktima ay kinilalang si Benjie Cipriano, 41-anyos, habang ang suspek ay kinilalang si Joel Macabate, 58-anyos, parehong residente ng nasabing lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng New Washington PNP na nakahiga ang biktima sa duyan sa labas ng kanilang nang dumating ang suspek na lasing at biglang sinaksak ang biktima na tinamaan sa kanang tagiliran at kamay.
Agad na dinala ang biktima sa hospital para mabigyan ng tamang pag gamot habang ang suspek ay nasa kustodiya na New Washington PNP para sa karampatang disposisyon.

Facebook Comments