Baguio, Philippines – Sa pagpasok ng New normal, pinag-aaralan na ang ilang mga bagong implementasyon at mga gagawin ng Baguio City Tourism sa mga programa ng ahensya para masustina ang lagay ng turismo sa lungsod.
Ayon kay Baguio City Tourism Office Head Alec Mapalo, dahil sa kanselasyon ng Panagbenga Flower Festival, ang Creative Festival sa Nobyembre ay tinitignan bilang unang aktibidad ng lungsod na isasagawa sa Virtual Platform.
Dagdag nya na kailangang maipagpatuloy ang pista para maipagpatuloy ng syudad na maibahagi ang kultura at ang mga gawang lokal sa buong mundo sa pamamagitan ng e-commerce, ngunit nakadepende pa din yan sa magiging sitwasyon sa darating na mga buwan.
Ilan sa mga nasabing plano ng Virtual Festival ay ang pagkakaroon ng pre-recorded performances at craft-making videos.
Nauna namang naipabalita na isa sa mga “Pilot Areas” na handa na sa implementasyon ng New Normal ay ang Baguio City, kasama ng probinsya ng Bohol sa Central Visayas kung saan inaasahan ang pagbabalik ng torismo sa mga lugar. Pinag-aaralan din ang pagbukas ng syudad sa mga turista para maibalik ang karagdagang kita ng syudad sa pamamagitan ng turismo at magsasagawa ang lokal na Gobyerno ng mga maintenance period isang beses sa isang linggo, para sa papasok na turista sa syudad ay pansamantalang magiging limitado ay sasailalim sa striktong pagbabantay ay pagsusuri bago makapasok sa syudad.