VIRTUAL ORIENTATION PARA SA GOVERNMENT INTERNSHIP NG MGA KABATAAN ISINAGAWA NG DOLE REGION 1

Nagsagawa ng Virtual Orientation ang Dole Region 1 para sa mga Government Interns na aabot sa limang daan at pito na mga kabataan (507).

Layunin nito na maihanda ang mga kabataan sa pagpasok sa trabaho ngayong new normal sa ilalim ng kanilang Government Internship Program

Napag usapan sa orientation ang tinatawag na GIP Guidelines, mga dapat sundin, mga hindi pinahihintulutan gawin at ang pag implementa ng safety protocols sa trabaho.


Samantala, ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng Region 1.###

Facebook Comments