Inilunsad ngayong araw ng Palasyo ng Malacanang ang isang Virtual Press briefing na naglalayong ipaabot sa international media ang lahat ng mga programa, polisiya at proyekto ng Pamahalaan at ipaliwang narin sa international community kung ano ang mga nangyayari sa Pilipinas na gagawin dalawang beses isang buwan.
Ang Virtual press converence ay inilunsad ng Global Media Affairs office na pinamumunuan ni Global media Affairs Chief JV Acena na binuo ng Presidential Communication Operations Office.
Sa unang episode ng Virtual press briefing ay naging panauhin ay si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo.
Karamihan naman sa mga naging tanong ng international Media ay tungkol sa posisyon ng Pilipinas sa territorial dispute sa South China Sea.
Tulad ng tugon ni Panelo sa Malacanang Press Corps ay naninindigan ito na calibrated response ang ipinaiiral ng Pamahalaan sa usapin.
Ayon kay Panelo, hindi sila agad nagbibigay ng komento sa mga natatanggap na impormasyon dahil dumadaan ito sa beripikasyon at sa oras na makumpirma ang impormasyon ay saka lamang sila magsasalita tulad ng kanilang naging pahayag na dapat ay umalis ang mga Chinese vessels sa Pagasa Island.