Posilbeng talakayin sa Asean-Republic of Korea Commemorative Summit ang pagkakaroon ng Visa-Free Access ng mga Pilipinong pupunta roon.
Pero ayon kay South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong Man, daan sa ‘butas ng karayom’ ito dahil marami pa ring mga Pilipinong ilegal na nakakapasok sa kanilang bansa.
Kasabay nito, sinabi naman ni Philippine Ambassador to Korea Noe Albano Wong, pag-uusapan din ang Free-Trade Agreement na magtatapos sa susunod na taon.
Kabilang na rito ang pagpapababa sa Import Tariff sa saging.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng Embahada ng Korea sa ating Department of Justice (DOJ) upang mabawasan ang Illegal Immigrants.
Facebook Comments