Ipinagpaliban ng Taiwanese Government ang pagpapatupad ng kanilang “visa-free entry policy” para sa mga Filipino.
Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office sa Pilipinas, ni-reschedule ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Taiwan ang pagpapatupad ng visa-free entry sa Setyembre para kumpletuhin ang mga administrative procedure at Inter-Agency Coordination.
Anila, iaanunsiyo nila ang eksaktong petsa ng pagpapatupad ng naturang polisiya at iba pang detalye sa buwan ng Setyembre.
Una nang inanunsiyo ng Taiwanese Government ang visa-free entry policy noong nakaraang Abril bilang bahagi ng kanilang “new southbound policy” na layung mapabuti ang bilateral ties sa iba pang bansa sa Southeast Asia.
DZXL558
Facebook Comments