Maaari pang humabol ang mga Pilipinong gustong bumiyahe sa Taiwan nang visa-free dahil extended ito nang isa pang taon.
Extended mula Agosto 1, 2019 hanggang Hulyo 31, 2020 ang visa-free entry status ng mga Pinoy na hindi lalagpas ng dalawang linggo ang pagbisita sa Taiwan.
Inanunsyo ito ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO), na nagsabing tumaas ang bilang ng mga Pilipinong bumibisita sa Taiwan mula nang mabigyan ng pribilehiyo noong Nobyembre 1, 2017.
Upang makapunta sa nasabing bansa nang walang visa, kinakailangan ang mga sumusunod na dokumento:
- Ordinary o regular passport na may natitirang validity anim na buwan mula sa date of entry.
- May kumpirmado nang return plane o boat ticket, kasama ang valid visa para sa onward destination.
- Kumpirmadong hotel reservation o address at contact details ng tutuluyan sa Taiwan.
- Financial statement.
- May malinis na record na susuriin ng immigration pagdating sa airport o seaport sa Taiwan.
Facebook Comments