Visa-free travel agreement sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan, pinag-uusapan na

Pinag-uusapan na ng Pilipinas at Taiwan ang pagkakaroon ng mutual visa-free travel policy sa pagitan ng dalawang bansa.

Kinumpirma ito ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairperson at dating Labor Secretary Silvestre Bello III sa Laging Handa press briefing kasunod ng pagpupulong nila ni Taipei Economic and Cultual Office in the Philippines chief Michael Hsu noong Martes.

Ayon kay Bello, maganda ang relasyon ng Pilipinas at Taiwan particular sa kalakalan, negosyo, employment at kultura kaya wala siyang nakikitang problema rito.


Mababatid na ipinatupad ng Taiwan ang visa-free policy sa Pilipinas noong November 1, 2017.

Kasunod nito, hiniling ng Taiwan sa pamahalaan ng Pilipinas na tugunan ang kanilang ginawa at magpatupad din ng visa-free sa mga Taiwanese na pupunta sa Pilipinas.

Tinatayang nasa 200,000 ang documented Filipino workers sa Taiwan.

Facebook Comments