“Visa upon arrival” na ipinagkakaloob sa mga dayuhan, posibleng alisin na ng BI

Posibleng buwagin na ang “visa upon arrival” na ipinagkakaloob sa mga dayuhan kabilang na sa mga Chinese na dumarating sa Pilipinas.

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ang visa upon arrival ay isang konsepto upang makahimok ng mga dayuhang turista.

Gayunman, kapag inalis aniya ang “visa upon arrival,” ang turismo ng bansa ang tatamaan.


Tiniyak naman ni Guevarra na pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) at ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-abolish sa “visa upon arrival,” upang maiwasang maabuso ito.

Ayon naman kay Justice Usec. Markk Perete, hinihintay na lamang ng DOJ ang formal recommendation ng BI hinggil sa pagrebisa o pagsasaayos sa mekanismo, kasunod na rin ng panawagan ni Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin na mai-scrap ito.

Batay sa mekanismo, ang “visa upon arrival” ay limitado lamang at may duration na tatlong buwan bilang tourist, habang pwedeng i-extend ng tatlong buwan.

Facebook Comments