Ibibigay ng Armed Forces of the Philippines Visayas Command (AFP-VISCOM) ang kanilang buong suporta sa Philippine National Police (PNP) sa pagpapanumbalik ng peace and order situation sa Negros Oriental.
Ayon kay AFP-VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, ito’y alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa AFP, kasunod ng pagbisita ng pangulo sa burol ni Negros Oriental Governor Roel Degamo kamakailan.
Sinabi ni Lt. Gen. Arevalo na nag-deploy na sila ng mga sundalo para tulungan ang PNP sa pagtugis sa mga suspek sa pamamaslang sa gobernador at 8 iba pa.
Sa katunayan, kasama ng PNP ang mga tropa ng 11th Infantry Battalion sa paghuli ng unang 3 suspek at pagrekober ng mga armas na ginamit sa krimen.
Nakikipag-coordinate na rin ani Arevalo ang AFP sa PNP sa mga checkpoint at iba pang security operations para masiguro na hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.