Nag-abiso ang system operator ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na inilagay sa yellow alert ang Visayas grid ngayong hapon.
Nagsimula ito kaninang alas-4:00 ng hapon at magtatagal hanggang mamayang alas-7 ng gabi.
Bunsod ito ng manipis na suplay ng kuryente na dulot ng pagbagsak ng apat na planta ng kuryente habang tatlo pang power plant ay may mabagal na kapasidad.
Dahil dito, umaabot sa 373 megawatts ang nawala mula sa inaasahang suplay ng kuryente.
Ayon pa sa NGCP, umaabot sa 2,019 megawatts ang kailangang suplay subalit nasa 2,179, megawatts lamang ang available.
Facebook Comments