Manila, Philippines – Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa malakas at patuloy na buhos ng ulan hatid ng bagyong Paolo.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, orange warning level ang umiiral sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar at Biliran.
Kasunod nito’y nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa apektadong mga lalawigan na posibleng sila ay makaranas ng pagbaha at landslides.
Kasabay nito’y pinapalalahan din ng Pagasa ang mga residente sa lugar na mag-antabay sa mga susunod pang abiso ng weather bureau ngayong araw.
Facebook Comments