Viva Artists Agency, nagbantang kakasuhan si Nadine Lustre

Image from IG/Nadine Lustre

Nagbanta ang Viva Artists Agency (VAA) na sasampahan ng kaso si Nadine Lustre kapag tumanggap ng trabaho na walang pahintulot ng pamunuan.

Ito ang mariing sagot nila hinggil sa pahayag ng kampo ni Lustre na kumalas na raw ang aktres sa naturang talent agency.

Sa inilabas ng statement ng Kapunan & Castro Law Offices, legal counsel ng Kapamilya star, nagdesisyon raw ito na tapusin ang kontrata niya sa VAA.


Depensa pa ng kaniyang mga abogado, naayon ang nasabing hakbang sa karapatan nito sa ilalim ng Civil Code of the Philippines.

Kasalukuyan daw “mina-manage” ng aktres ang karera sa showbiz at diretso na lahat sa kaniya ang bookings at inquiries sa mga paparating na proyekto.

Pero iginiit ng Viva Artists Agency na hindi ito puwedeng gawin ni Lustre dahil mayroon siyang “valid and subsisting management contract”.

Nakasaad rin umano sa batas at pinirmahang kontrata ng Viva talent na hindi niya maaring i-terminate ang “exclusive contract” nang mag-isa.

Puwede daw kasuhan ang aktres at sinumang makikipagnegosasyon dito sanhi ng “breach of contract”.

Narito ang kabuuang tugon ng VAA:

Courtesy Viva Artists Agency

 

Naging tulay ang Viva Artists Agency sa pagsikat ni Lustre na siyang namahala ng career ng dalaga sa loob ng isang dekada.

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ng aktres sa ilalim ng Viva Films ay “Petrang Kabayo (2010), “Who’s That Girl (2011), “Diary ng Panget” (2014), at “Indak” (2018).

Facebook Comments