Cauayan City, Isabela – Bilang pagtalima sa nationwide red alert ng kapulisan, pansamantalang suspendido ang vacation leave ng lahat ng pulis dito sa lalawigan.
Ayon kay P/Col. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, nakaalerto ang buong kapulisan dito sa lalawigan. Handa ang buong pwersa ng PNP para magbigay ng seguridad sa mga mamamayan. Nakabantay sila hindi lamang sa mga pampubliko at pribadong sementeryo kungdi maging sa lahat ng mga matataong lugar.
Sa ngayon ay naka deploy na ang tamang bilang ng mga pulis sa mga terminal, airport at maging sa mga pangunahing lansangan. Muling nagpa alala ang Provincial Director na huwag magdala ng mga nakalalasing na inumin at mga deadly weapon sa loob ng sementeryo.
Maging ang mga bakasyunista ay pina alalahanan ni PD Rodriguez na huwag nang isapubliko sa mga social media platforms kung ilang araw silang mawawala sa kanilang mga tahanan para hindi samantalahin ng mga akyat bahay.
Ang PNP Isabela ay naka red alert mula pa noong October 28, 2019. Maliban sa mga force multipler, umaabot sa mahigit 190,000 ang mga pulis na naka deploy sa buong bansa.
PNP region 2,PRO 2,all saints, all souls day,NGO, PNP Regional Director P/BGen. Angelito Casimiro, P/Col. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ,undas IPPO
Attachments area