Vlogger Emman Nimedez, ibinunyag ang pakikipaglaban sa leukemia

1194
YouTube/Emman Nimedez

Ibinahagi ng video creator na si Emman Nimedez na na-diagnose siyang mayroong acute myeloid leukemia, isang uri ng cancer sa dugo.

“Ngayong taon, dumating na rin ‘yung pinakamatinding laban na kahaharapin ko,” saad niya bago ibunyag ang karamdadman sa kanyang YouTube channel noong Linggo.


Ayon kay Nimedez, nakaranas siya ng lagnat na inakala nilang sintomas ng COVID-19, hanggang sa suriin ang kanyang bone marrow at mapag-alaman na mayroon siyang cancer.

“Hayaan niyo akong isama kayo sa laban na’to. Para maipakita na rin sa inyo na lahat ng ibabato sa’ting hamon, pagsubok, kakayanin basta diretso lang ang tingin natin sa buhay, saka positibo tayo,” mensahe niya sa fans.

Sinamantala rin ni Nimedez ang pagkakataon na pasalamatan ang kanyang mga tagahanga at ipakita ang YouTube Gold Play Button na natanggap matapos maabot ang 1 million subscribers.

Nagsimula si Nimedez sa paggawa ng videos noong 2011, at humataw mula nang mag-viral sa kanyang mga parody, kabilang ang sikat na K-drama na “Goblin”.

Facebook Comments