Vlogger na nag-post sa social media ng sinasabing pagbabanta sa buhay ni PBBM, inaresto ng NBI sa Pagadian City

Inaresto ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) sa Pagadian City ang isang vlogger na si alias “Mike Romero” dahil daw sa pagbabanta nito sa buhay ng pangulo.

Ito ay matapos magpost ang vlogger ng larawan ng Pangulong BongBong Marcos na may arrow sa noo at nakalagay ang caption na “Headshot.”

Si Romero ay nahaharap sa kasong Inciting to Sedition at grave threat.

Ipinaliwanag naman ng vlogger na hindi niya intensyong hikayatin ang publiko na barilin ang pangulo sa ulo.

Aniya, komento lamang niya anya ito kung saan ang salitang BOGO sa Bisaya ay bobo at nasabi niya ito dahil na rin sa nangyayaring mga korapsyon sa bansa.

Pinaalalahanan naman ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang publiko na maging responsable sa kanilang posts sa social media.

Facebook Comments