
Ipinost ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga sa kaniyang Facebook page ang video kung saan hawak niya ang isang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos habang siya ay nasa plenaryo ng Kamara na tinawag niyang crocodile farm.
Ayon kay Barzaga, maghahain siya ng reklamong impeachment laban kay pangulong Marcos at kabilang sa grounds ay betrayal of public trust at culpable violation of the constitution.
Umaasa si Barzaga na hindi na magtatagal ay papatalsikin ng Kongreso si Pangulong Marcos.
Ayon kay Barzaga, ito ay para masimulan na ang imbestigasyon sa lahat ng sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Facebook Comments









