
Nagtungo ngayong Martes sa Department of Justice (DOJ) ang ilang kinatawan mula sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ay upang maghain ng reklamong cyberlibel at unjust publication laban sa vlogger na si Jack Argota.
Kaugnay ito sa pagpapakalat ni Argota ng mga pekeng medical records umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa kaniyang social media.
Noong nakaraang linggo nang ipatawag ng NBI si Argota para pagpaliwanagin kaugnay dito.
Bukod kay Argota, nauna nang inireklamo ng NBI ang dating broadcaster na si Jay Sonza at social media personality na si Eric Celiz dahil din sa pagpapakalat ng pekeng medical information laban sa pangulo.
Facebook Comments










