Volcanic smog ng Bulkang Taal, hindi umaabot sa Metro Manila

Nilinaw ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum na hindi nakakaabot sa Metro Manila ang volcanic smog o ‘vog.’

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Solidum na nasa paligid lamang ng Taal Volcano Island ang smog.

Pero paliwanag nito, tulad ng nangyari nitong Lunes kung saan ang lipad ng sulfur dioxide ay sa ibabaw, kaya ito nag-contribute ng haze sa Kamaynilaan.


Sinabi pa ni Solidum na kadalasang nangyayari ngayon, papunta sa southwest o south ang ihip ng hangin, kung kaya’t ang mga mababang lipad na mga gas ay napupunta sa southwest.

Pero minsan, ani Solidum, kapag mas mataas ay pwedeng pumunta nang kaunti sa norte ang direksyon ng smog o patunong Metro Manila, pero wala aniya itong epekto sa kalusugan ng tao dahil nasa mataas na lebel.

Facebook Comments