Manila, Philippines – Sumailaim sa voluntary drug test ang mga aktor na sina Jake Cuenca at Will Devaughn.
Ito ay para patunayan na never daw silang gumagamit ng iligal na droga at hangad nila na gayahin sila ng kapwa nila artista.
Mismong sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City isinagawa ang drug test.
Ibinahagi pa ng PDEA ang pictures kung saan makikita ang dalawang aktor na nag-aantay ng kani-kanilang resulta.
Napag-alaman na sina Jake at Will ay lead actors sa isang pelikula na tumatalakay sa kampanya laban sa ilegal na droga at plano itong ipalabas sa mga susunod na araw.
Facebook Comments