Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang voluntary repatriation sa mga Filipinong nasa Hubei, China.
Ito ay dahil sa banta pa rin ng 2019 novel coronavirus-acute respiratory disease.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – gagamitin ang New Clark City bilang quarantine area ng mga Filipinong ire-repatriate mula China.
Aniya, sasailalim sa 14 na araw na quarantine period ang mga OFW na pangangasiwaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kahit wala aniyang ipinapakitang sintomas ang mga uuwing OFW, kailangan pa rin ng mga ito na dumaan sa 2 linggong quarantine.
Tiniyak ng kalihim na sisiguraduhin nilang tututukan ng gobyerno ang kanilang kalagayan ng maryoong pag-iingat at dignidad.
Facebook Comments