Painit na ng painit ang patutsadahan ng mga pulitiko sa Quezon City habang papalapit na ang eleksyon sa Mayo.
Sa district 5 ng lungsod, kalat na sa iba’t ibang barangay ang panggigipit sa Congressional candidate na si Rose Nono-Lin ng kampo ng katunggali niyang kandidato.
Ito’y matapos mabisto ng kampo ni Lin na may siyam silang tauhan na nagtatrabaho rin pala bilang mga espiya ng kalaban niya sa pulitika na si QC Councilor Patrick Michael Vargas na kapatid ni Congressman Alfred Vargas.
Sinabi ni Atty Manuel Jeffrey David,legal counsel ni Lin, kasama sila sa may pakana ng pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso ng vote-buying laban sa kanyang kliyente. Kanila umanong kinukundena ang malisyosong pag-atake na hindi lamang sumisira sa reputasyon ni Lin kundi nagdulot na rin ng matinding epekto sa kanyang pisikal at mental na kalusugan.
Dahil dito, nagpasiya na si Lin na kasuhan ang mga Vargas at mga taong nasa likod ng black propaganda.
Masusi nang pinag-aaralan ng legal team ang mga kasong maaaring isampa laban sa kanila. Sa ngayon, kinukuha pa natin ang sagot dito ng kampo ng mga Vargas.